Thursday, July 25, 2013

Marc Pingris on guarding LeBron James 1-on-1. INTERVIEW & PHOTO:



MH: Ano pakiramdam na binantayan mo si LeBron James one-on-one?

Marc Pingris: Ang sarap ng feeling. Blessed ako na nabantayan ko siya. Talagang totoong malakas yung katawan. Shooter na nga. Malakas yung katawan. Kinain ako. Pinagtitirahan ako ng three points. Hindi ko alam kung papano siya babantayan. 


MH: Bakit mahirap bantayan si LeBron James? (Although to be very fair to Marc, LeBron is difficult to guard...for everyone.) 

MP: May tira sa labas. Marunong mag-drive. Malakas. Pero at least yung experience against LeBron, pwede ko ma-apply sa mga dedepensahan ko in the future. Kasi yun talaga trabaho ko sa Gilas and sa PBA. At least, alam ko na pwede ko pa ma-improve sarili ko.


MH: Naisip mo ba before the event, before the game na baka babantayan mo si LeBron James?

MP: Hindi eh. Ni-request lang talaga ni Coach Chot. Pero masaya. Hindi no makakalimutan sa buong buhay ko ‘to. MH

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.